junked tv

Sa mga subscribers ng Sky Cable, malamang e hindi Happy ang New Year ninyo at burat na burat kayo sa Year of the Rat na ito dahil nawala ang Jack TV ninyo. Kasama nito e lahat ng mga Solar Channels.Ibig sabihin nito e wala nang WWE! 

 

Huwag ninyo nang ihirit sa akin na meron namang wrestling sa channel 5 dahil para ninyo na ring sinabi na magbasa ka na lang ng comic strip na Spider-man dahil wala nang comic book.

 

 

 

Kung nakapanood ka nas 5 ng mga WWE shows e alam mong pinuputol nila ang mga galaw na merong matinding violence, gaya ng pagpalo ng silya sa ulo at bina-black and white nila ang mga shots na merong pagtagas ng dugo. Hindi sa nagrereklamo ko sa 5, pero sakop sila ng mga alituntunin ng MTRCB at KBP na kelangan nilang sundin. Ibig sabihin, sa uri ng pinepekeng karahasang pinapakita ng WWE, hindi mo ito mapapanod sa lokal na estasyon ang tunay nitong anyo.

Noong una ang akala kong dahilan e dahil mahal ang singil ng Solar (na siyang nanay ng Jack), kaya’t inilagpak na sila sa lupa ng Sky. Hindi pala ang skyrocketing na presyo ng Solar ang dahilan kundi ang mga hinihintay-na-sa-impyernong mga Lopez. 

Heto ang excerpt ng haka-haka ng mga hacka-hackers sa cyberspace na isinulat ni Etey sa kanyang Big Blue Machine.

ABS-CBN owns Creative Productions Inc. (CPI). Next to Solar, this is the biggest local cable channel provider in the country. Sadly for the Lopezes who obviously owns ABS-CBN, mustachioed Manny Pacquiao refused to be in business with them, negotiating his fight broadcasts instead with the Tieng-owned Solar channels. Envious, the Lopezes resorted to strike on Solar by strategically creating three cable channels that they claim are as good as if not better than (so they claim) Solar’s Basketball TV, Jack TV + Solar Sports. Then, payback time. Year 2008 came +, along with 2007, Solar’s channels were all phased out of Sky Cable’s roster of channels.

Wala namang ilegal sa ginawa nila. Natapos na ang kontrata at naisip nilang bumawi sa Solar sa pamamagitan ng hindi pagpapatuloy ng pagpapalabas nito. Hindi nga ilegal, kupal nga laang ang mga ‘to. Ang mga Lopez na ‘to yung tipo ng kaklase mo noong elementary na walang gustong makipaglaro pag Recess, at para laang merong makipaglaro sa kanila e papahiramin ka ng santambak nilang He-Man at G.I.Joe. Pero pag meron silang hindi nagustuhan sa ‘yo e hindi ka na papahiramin ng He-Man at G.I.Joe.

Lopez, hinihintay ka na ng mga kapamilya mo.

Isang Tugon

  1. [...] Sa mga subscribers ng Sky Cable, malamang e hindi Happy ang New Year ninyo at burat na burat kayo sa Year of the Rat na ito dahil nawala ang Jack TV ninyo. Kasama nito e lahat ng mga Solar Channels.Ibig sabihin nito e wala nang WWE! Kung apektado kayo’t gusto ninyong malaman knug bakit wala na kayong Jack TV, ituloy ang pagbabasa sa bagong sansinukob. [...]

Mag-iwan ng Tugon