Matagal rin akong hindi nakasulat rito. Naghahanap ako ng larawan ni Alfredo Lim para sa isusulat ko sana tungkol sa pagbabawal niyang muli sa pagpasok ng mga bus ng Cavite sa Maynila, nung mamataan ko ang isang mas magandang maisusulat -ang pagkakadakip ng kanyang anak sa pagbebenta ng shabu.
Habang busy sa pagbabawal ng mga bus na biyaheng Cavite si Lim e nalingat ang kanyang matang Dirthy Harry sa mga aksyon ng kanyang sariling anak na tumitiba-tiba sa pagbebenta ng shabu – shabu – oo. Drugs. Ibig bang sabihin niyon e ii-spray paint niya ang bahay ng anak niya ng ”DRUG PUSHER ANG NAKATIRA RITO”? Handa akong magbigay ng tatlong daang piso para simulan ngayon rin ang pag-ii-spray nito. Kahit ako pa ang personal na magsulat nito gamit ang isang point 1 na pulang tech pen sa istilnog pointillism, gagawin ko.
Napakahirap sigurong ipaliwanag sa apo niya tuwing bibisita siya sa bahay ng mga ito.
Matatandaang gustong makisawsaw nitong si Lim sa isyu ng grupo ni Mendez tungkol sa pagbabawal ng mga mararahas na video games. Kung ang anak ni Lim e naglalaro ng mga tinatawag na mararahas video games na ito, malamang e hindi na ito pumasok sa daigdig ng drugs. Heto ang video game na sana ay nakapagligtas sa anak ni Lim kung ito ay nilaro niya.

Sa orihinal nitong bersyon, sa arcade at sa NES, ang bida ay isang Narc agent na pumupuksa sa mga masasamang elementong namumuhay sa drugs. Armado ng sari-saring baril, asul o pulang na sleeveless na damit at asul o pulang na helmet, lulusubin ng Narc agent ang mga kuta ng kalabang pinamumunuan ni Mr Big, isang big boss na yari sa isang malaking ulo.
At pwede pa itong two players kaya’s maaring maglaro silang mag-ama. Family bonding time ‘to sana. At sa kanyang background sa pagiging NBI agent e makakatulnog na malaki sa paghahanap ng kuta ni MR. Big,ang higanteng ulong kalaban.

Ang pagtatalunan na laang nilang mag-ama e kung sino ang magsusuot ng pula at asul na costume.
Bilang isang narc agent, may kakayahan rin silang gumawa ng napakalaking donut para sa kanilang narc department.

At dito sa boss fight laban sa higanteng ulong ito e malamang mag-enjoy sila nang husto.

Ito e lumabas noong mga 80s pa, noong mas bata pa si Manuel. Hindi pa sana huli ang lahat kung 2005 e nilaro nila ang updated na bersyon nito. Sa bago nitong bersyon (2005), ang Narc e maaring maging isang good cop o bad cop. Ang masasamsam ng ebidensya e pipwedeng itago ng agent at gawing ebidensya. Maari rin namang gamitin niya ito para sa sariling kalibangan. Sa laro ay sini-simulate ang mga dinaranas ng mga gumagamit ng mga droga sa laro: Babagal ang laro pag gumamit ng marijuana at makakakita ng mga imahe at makarinig ng mga boses pag gumamit ng LSD.
Sa ganitong siste ng laro, ang manlalaro e meroong choice. At pag sumobra sa pagtikim at paggamit ng droga, ang manlalaro ay matatalo dahil siya a magiging ADDICTED. At kung sila ay naglalaro nito malamang e mapapayuhan niya ang anak niyang gamitin na laang na ebidensya ang mga droga sa halip na subukan ang mga ito.
Alfredo: Anak, ano’ng big deal sa marijuana? Babagal laang ang gameplay. Imbes na manalo ka e matatalo ka laang. Huwag mo nang ituloy ang binabalak mo anak.
Anak: Sige po, Daddy.

Kaya’t sa imbes na sa tunay na buhay ka maadik e sa laro na laang. Maituturo sana nito sa anak ni Alfredo Lim – kung pinayagan niyang maglaro ng video game niya ang anak niya – ang mga masasamang idudulot ng droga. Kung sana e hindi siay masyadong tight ass sa mga video games, malamang e hindi malalamig na rehas na bakal ng kulungan ang niyayakap nito ngayon, kundi ang mga bisig ng kanyang amang Dirty Harry ng Maynila.
At ano ang pinagtuunan ni Alfredo ng pansin habang ang anak niya e nagtutulak ng droga? Heto ang mga pag-aaksya ng panahong ginawa niya ayon sa wikipedia:
Political Career
1992-98
In 1992, he beat six opponents in the election to become mayor of Manila. As Manila Mayor, he worked on a strong law and order program which lessened crime[citation needed]. Lim also worked on some projects to improve the city’s image which had been bad when he assumed office. He pushed reforms in the city government. He was re-elected in 1995.
Citation needed? Ano ‘to, sinulat ng spin doctors niya? Nanalo siya sa isang six-man elmination election kung saan bilang mayor ang tangi niyang nagawa e ipagbawal ang mga biyaheng Cavite noong ako e nasa college pa.
1998 Presidential Candidate
He ran a failed bid for the presidency as the Liberal Party nominee in the 1998 election, garnering 8.7% of the vote and finishing fifth in a field of eleven candidates. Sometime during the Estrada administration, Lim served as Secretary of Interior and Local Government. But his stint was cut short when Estrada left office in early 2001.
Oo, talo ang putang ina.
2004 Senator
He was elected Senator in the 2004 election. as a senator Lim introduced legislation to bring back mandatory ROTC, but this bill did not receive any co-sponsors. Effective June 30, 2007, his position in the Senate, which he would have served until June 30, 2010, is currently vacant because he won for mayor in Manila.
So nanalo rin siya bilang isang senador at ang inatupag niya e ang pagpapabalik ng aksaya-sa-oras-ng-mga-lalaknig estudyante -ang ROTC. Oo nga pala, para sa kapakanan ng mga swerteng hindi umabot sa panahon ng ROTC, pwede mo itong hindi na pasukan at bayaran na laang ang mga taga-DMST. Officer man o mga sundalong naatasan sa programa. At kung ikaw naman e pumasok sa ROTC, ang ibig sabihin nuon e pati Linggo meron kang pasok. Uungguyin ka laang ng mga offcier sa apat na semester ng ROTC na hindi naiiba sa initiation ng mga fraternities. Ito ang inatupag ni Lim habang senador. Wala siyang nakuhang suporta kaya’t hindi natuloy ang demonyong programa.
At napagtanto niyang napakabano niya bilang tagagawa ng batas (kahit na tapos siya ng Law), kaya’t hindi na niya tinapos ang kanyang termino bilang senador. Bumalik siya sa Maynila kung saan tapos na ang termino ni Atienza. Hindi siya nangahas na kalabanin ito noong nasa kasagsagan pa ng pagkameyor nito. At noong eksaktong natapos na si LA. iniwan niya ang senado dahil baka makapwesto pa ang anak nito. Mahirap na’t baka hindi pa siya manalo. Ito ang Dirty Harry ng Maynila. Duwag.
At ano ang ginawa niya pag-upo niya bilang mayor? Makisawsaw sa isyu ng video games, ibaba ang penalties sa mga drivers na sumusuway sa batas (at inilibre pa sa mga ipinataw na penalty sa unang araw niya!), at pagpapasar ng mga negosyo sa Baywalk dahil pauso ito ng kalaban niya (at ayaw raw niya sa beer, pero nagda-drugs ang anak niya).
Aflrefo Lim, heto nga pala ang istorya ng buhay ng anak mo. Alam kong redundant ito dahil nagamit na itong picture kanina, pero heto ang screenshot ng anak mo:
Inihanay sa: Uncategorized | Minarkahan: alfredo lim, drugs, video games