Ano ba’ng big deal sa nose flute? Noong isang gabi habang nasa angkut ako (public transport rito sa Indonesia) e hinarana ako ng isang mamang nagno-nose flute para sa halagang Rp 1000 (mga limang piso sa perang Pinoy). Ano ba ang gustong patunayan ng nose flute? Ano, na pwede ring gamitin ang ilong na ipang-ihip at ipampatunog sa isang instrumentong pangmusika? Para saan? Gumagana naman ang bibig, bakit papahirapan pa natin ang ating sarili na ipang-ihip ang bahagi ng katawan nating ginagamit sa paghinga? Pag me sipon ba yung mamang yun e nagsi-sick leave siya sa kanyang pagno-nose flute o tinatanggap na niya ang katotohanan na mas madaling gamitin ang bibig sa pagtugtog ng plawta?
Nasa larawan: Isang katutubong nagpaplawta sa ilong. (wala sa larawan: ang taong tinutukoy ko)
Inihanay sa: Uncategorized
