Sinesinukob #1 and #2: ‘The Expendables’ at ‘Shoot ‘Em Up’

Posted: Enero 3, 2011 in sinesinukob

Sa mga aanim na mambabasa ng aking blog noon, e maaring natatandaan ninyong nirereview ko ang mga pelikulang napapanood ko, gaya ng Mulawin na inilagay pa sa link ng isang blog ng taong wala akong ideya kung sino. Sa taong ito e balak kong gawin ‘to ule at sulatan ng review ang bawat mapapanood kong pelikula. Dati ang nirereview ko laang e yung mga napapanood ko sa sinehan. Sa taong ito e isasama ko pati ang DVDs kasi bihira na kong makanood sa sinehan.

Ito ang aking rating system:

5   Panoorin sa sinehan at bumili ng sariling orihinal na DVD. Panoorin ng dalawang beses kung merong oras.

4   Panoorin sa sinehan at bumili ng pekeng DVD.

3   Di na kelangang panoorin sa sinehan at bumili na laang ng sariling pekeng DVD.

2   Manghiram na laang ng DVD kung meron ang kabigan mo o abangan mo na laang sa cable.

1   Huwag panoorin, pwera na laang kung gusto mong magdusa’t me oras kang masusot.

0              Tumaya ka sa lotto, hintaying yumaman nang lubha at bilhin mo lahat ng DVD na orihinal at peke’t igawa ng   isang bundok. Pagkatapos e silaban mo ito papuntang impyerno, habang nagyoyosi ka ng tabako na puno ng kagalakan ang puso dahil alam mong me nagawa kang isang magandang serbisyo sa sambayanan.

Dalawang pelikula ang pinanood ko ngayon sa DVD bilang panimula ng taon: ‘The Expendables’ at ‘Shoot ‘Em Up’, dalwang pelikulang hindi na bago. Actually, napanood ko na sa sine ang ‘The Expendables’ nung pinalabas to pero meron akong bisitang Indonesians kaya’t naisipan kong ito ang isalpak. Sira kasi ang remote nung DVD sa salas at anong pelikula ba ang pwede mong ipalabas para sa mga bisitang hindi nag-iinggles? Bukod sa porno? Aba’y anupi? ‘The Expendables’! Istorya? Character? Subtext? Sense? Kamputa, itinapon lahat ito ni Stallone sa bintana’t sinapok tayo sa screen ng mga pangalang ito nung pinalabas ang trailer nito sa ‘How To Train Your Dragon’ nung dinala ko sa sinehan ang pamilya ko para manood ng cartoon:

Di mo na kelangan ng tailer 'pag akita mo'ng mga pangalan ng artista

Sylvester Stallone!

Jason Statham!

Jet Li!

Dolph Lundgren!

Randy Couture!

Stone Cold Steve Fuckin’ Austin! Say no more! Say no more!

Terry Crews!… Teka sino to? Yung sa ‘The Longest Yard’ na si Cheeseburger Edddie. Okay, basta malaki rin katawan. Negro pa! Shet!

At…

Micket Rourke pa!

Aba’t….

Bruce Willlis!

Arnold Schwarzenegger!

Nung punong yun e kinailangan na kong iuwi sa ambulansya habang kandung-kandong ang panga kong nahulog mula sa aking bungo.

At pag naghanap kayo ng pictures ng ‘The Expendables’ sa Rotten Tomatoes e ito ang isa sa mga nanood ng premiere:

Isa sa mga riple sa The Expendables

Tanging bulag na lalake lang makakatanggi sa ganitong klaseng lineup artista sa isang pelikula. Ang katulad nito e isang porno kung saan ang isang tuberong nag-aayos ng gripo e magwawakas na merong ngiti sa labi sa bayad ng seksing bubaeng kostumer.

Hinahanap nya ang sukli sa bayad niya

Ganito rin ang sitwasyon sa ‘TheExpendables’. Ang mga eksena e nilikha para magkaron ng justification ang mga buntalan at pagsabog. Kung me katuturan o wala, gaya ng porno, e wala nang pakelam ang mga fans.

Kelangang makipagsuntukan ni Jason Statham? Aba’y bigyan ng kupal na mang-aagaw ng girlfriend na nambubuntal ng bubae. Bagong ideya? Hinde. Aba’y pakelam ko. Basta merong binubuntal na santambak na lalaki si Jason Statham.

Anong maasahan sa pelikula? Pugutan ng ulo, putulan ng kamay, suntukan, tadyakan, bumabaong mga kamao, barilan, mga bagay na sumasabog at naglilyab. Kulang? Dalawang importanteng karakter na ang tanging role e lumabas sa ibabaw ng blusa o bumakat sa isang basang damit.

At Rocky - Drago rematch

Rating:  4/5

Flashback sa sinehan nung trailers pa ng ‘How to Tame Your Dragon’…

‘Panoorin natin ang The Expendables pag showing na sa sinehan,’ sabi ko sa misis ko nung bumalik galing labas para bumili ng popcorn.

‘Sino bida run?’ tanong niya.

‘Aba’y lahat ng humawak ng baril at nanuntok ng muka sa Hollywood e bida.’

‘Tom Cruise?’

Sa lahat ng maihuhula, bakit si Tom Cruise pa? Ang dapat kong isinagot sa kanya e ang linya sa susunod na pelikulang irereview ko, ‘Shoot ‘Em Up’.

‘Pussies with guns in their hands look like tough guys.’ Yun si Tom Cruise. Ang mga bida sa The Expendables e ‘Tough guys with a pussy in their hands’.

Bala laang ang limitasyon sa kakayahan ni Smith

Ganun rin si Clive Owen  sa ‘Shoot ‘Em Up’, isang malupet na action movie mula sa konsepto ng isang 12 taong gulang na batang naglalaro ng mga tau-tauhang GI Joe. Kaya ba ng action star mo ang magpaanak habang nakikipagbarilan? Kaya bang makipagbarilan ng OB Gyne ng asawa mo habang nagpapaanak? Nakakita ka na ba ng sobrang galit na pares ng mga mata sa isang taong kumakain ng karot? Aba’y kung gugustuhin ni Smith (Clive Owen) na umubos ng populasyon ng isang maliit na bansa sa Asia e kakayanin niya basta’t meron lang siyang isang bilyong bala. O kahit karot man laang.

Ang live action adaptation nina Bugs Bunny at Elmer Fudd

Ano ang meron rito na wala sa ‘The Expendables’? Monica Belucci.

Ang extra ingredient

Babay muna’t maghahanap ako ng air freshener at nangangamoy pang pulbura ang keyboard ng computer ko habang sinusulat ko ‘to.

Rating:  3/5

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s