Sinesinukob 3: Still A.K.A. Die a Violent Death

Posted: Enero 6, 2011 in sinesinukob

Hindi ako gaanong mahilig sa mga horror movies. Hindi ko makita ang punto ng panonood ng isang horror movie. Pag komedya, gusto mong matawa. Pag drama, gusto mong maiyak. Pag horror, gusto mong matakot. Ano ang reaksyon mo pag hindi nakakatakot? ‘La kwenta, ‘di naman nakakatakot.’ Pag nakakatakot, magpapasama kang umihi sa banyo nang alas dos ng umaga.

Nitong huli e lumulikha ng pangalan ang mga Thai sa paggawa ng mga horror movies, gaya ng ‘Shutter’ at ‘Phobia 1 and 2’, ilan sa mga matagumpay nilang pelikula nitong huli. Saan pupulutin ang isa pang antolohiya ng pelikulang gaya nitong ‘Still’?

Sa ‘Flame’, ang unang kwento, isang magshota ang nabiktima sa isang sunog. Maganda yung eksena sa banyo kung saan nagnanangis sa alala ng kanyang namatay na girlfriend yung lalaki. Sa ‘Imprison’ naman e merong nagpakamatay na preso sa tabi ng selda ng bida. Sa ‘Revenge’ naman e itinambak ng isang pipi’t bingi ang kanyang napatay na bubaeng nagnakaw ng kanyang droga. Sa ‘Haunting Motel’ naman e isang puta-putang puta ang sumama sa isang motel sa magkaibigang lalaki at bading.

Matapos manood e, hindi ako nagpasamang umihi sa banyo nang alas dos ng umaga. O alas tres. Hindi nakakatakot, pero nakakaliw rin naman kahit papano ang ilang storya.

Rating:  2/5

Kung merong DVD ang kaibigan mo o hiramin mo na laang. Kahit hindi mo na siguro ibalik e hindi na mapapansin ng tropa mo. O kaya naman e maghintay ka na lang ng isa o dalawang taon bago ‘to ipalabas sa Red Channel.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s