
Parang lumang Western ang artwork - sige bili!
Nailatag nang ayos ang simula ng pelikula kung saan si Selina Stevens, ang bidang babae e binalo, pinatayan ng dalawang batang lalaking anak at ginahasa nang halinhinan ng limang tarantadong koboy.

Selina, ang balo.
Naawa ang isa sa kanila at hindi sya nireyp o pinatay. Parang Snow White, hindi tinupad ng isang karakter ang utos ng pinuno at hinayaan syang mabuhay. Kung bakit e ewan? Siguro hindi nya laang eksena ang gangbang. Kung ikaw nga naman e susunod sa apat na lalaking gantong mukang di naliligo, bakit pa?

Kung walang kondom, huwag na oy.
Buung-buo ang aking antisipasyon sa isang koboy na pelikula ng paghihiganti –mag-aala-Kill Bill ang bida! At sunod na ipinakilala ang susunod na karakter, si Frank na isang bounty hunter, kung saan bawat taong makakita sa kanya e iisa laang sinasabi: ‘Mas mapayapa nung panahong naririto ka.’

Pinatahimik niya ang bayan gamit ang kanyang ngiti.
Si Selina sa puntong ito e naging isang lasenggang hindi na nirerespeto ng lipunan kahit na ang dati niyang asawa e sheriff. Kung bakit walang tumulong ni isa mang dating kaibigan ng sheriff sa babaeng ito, e hindi ko alam.
Sa maikli, hiningan nya ng pabor si Frank para turuan syang bumaril. May pag-aalinlangan man e tinuruan niya rin ang byuda. At paano ito binayaran ng bubae? Pagrereklamo, pagkwestyon sa kanyang mga taktika sa pagtuturo, at kung anu-ano pa. Ang tanging dahilan laang kung bakit hindi sya binabaril ni Frank e dahil walang pabuyang nakataya sa kanyang ulo dahil hindi pa naiimbento ang batas laban sa pagiging mabungangang inggrata. Kung di man namatay ang asawa niya sa mga tarantadong koboy, e malamang nagpakamatay na ‘to dahil sa kanyang bunganga.

Siguro kung nagpapaturo kang bumaril para maghiganti, siguro di ka dapat mareklamo?
Maganda sana ang ideya nito dahil merong magkaibang motibo ang dalawang bida. Paghihganti ang ke Selina. Si Frank naman e nagtuturong bumaril sa isang taong kakaribal sa kanya sa pangungulekta ng pabuya sa ulo ng mga wanted na kriminal. Magpapanagpo ba sila sa panahong dumating ang limang tarantadong koboy? Magkakalaban ba sila?
Ang mga tanong na ito sinagot ng sangkaterbang tanong? Paanong ang isang koboy na pelikula e mababano mo? Paanong ang isang pelikula ng paghihiganti e mababano mo? Nasan ang aksyon? Ano ba ang galit ng direktor sa mga manonood na umaasa ng isang umaatikabong koboy movie at ganun na laang ang kanayang ginawa? Sino ba ang direktor nito?
Ayon sa Wikipedia, and direktor e si Shane Van Dyke. Isa sya sa limang tarantadong koboy –yun atang nandudura. At ang mga kasama niya sa pelikula e mga kamag-anak niyang Van Dykes. Gusto laang ata niyang magbigay ng tarbaho sa mga kamag-anak niya. Sino ba ‘tong Shane Van Dyke na ‘to? Sya ang direktor at/ o writer ng mga pelikulang ‘to:

The Transmorphers
Ayon sa wikipedia entry, sya e isang film and television faculty member with Hollywood for Kids. Anong itinuturo nya sa mga estudyante nya, paanong mang-rip-off?

Titanic 2 - Clue: Hindi nabuhay ang bangkay ni Jack sa pelikulang 'to
At nasagot lahat ng tanong ko.