Sinesinukob #5: The Day After Tomorrow

Posted: Enero 7, 2011 in sinesinukob
Mga Marka:,

Napanood ko na ‘to dati sa sinehan, pero nahilingan akong ipalabas ito ng aking bisita nung isang araw. Actually, di ko alam kung dapat ko pa itong ireview dahil nagawa ko na to noon sa dati kong rottentomatoes na blog (na burado na nga pala -ilang taon rin yun). Pero iniisip ko baka nagbago na ang aking pananaw sa pelikulang ito matapos kong mapanood ang ‘2012’ na syang pelikula rin ni Roland Emmerich.

Hindi nabago. Bagkus, kung ano man ang review ko noon sa ‘The Day After Tomorrow’ e yun rin ang ibibigay ko sa ‘2012’ dahil pareho laang ang dalawang pelikulang yun.  Sa tuwing manonood kayo ng isang Rolan Emmerich na pelikula, hindi pupwedeng hindi kayo magkaron ng feeling of deja vu. Pare-preho lang kasi ang pelikula nya. Subukan ninyo ang sarili ninyo kung makikilala nyo ang mga pelikulang ito ni Roland Emmerich.

Hulaan ninyo kung aling Rolan Emmerich movies ang mga still na ‘to. Alin dyan ang ‘Independence Day’, ‘The Day After Tomorrow’, ‘Godzilla’ at ’2012′? Alin rin dyan ang hindi nya pelikula?

1

2

3

4

5

6

Number 5 e Jurassic Park, hindi Godzilla.

Paano gumawa ng isang disaster movie ala-Roland Emerich?

Kayang-kaya sa loob ng 6 na steps, makaka-DIY ka ng isang Emmerich disaster movie gamit ang Roland Emmerich Disaster Movie Template.

1. Disaster

Humanap ng inspirasyon para sa isang disaster o kung anumang kakatakutan ng mga tao. Halimbawa: Aliens? Higanteng halimaw galing Japan? Global warming/ climate change? Pagwawakas ng mundo? Hmmm…Wawakasan ng mga aliens ang ating mundo sa taong 2012 sa pamamagitan ng pagpapakawala ng isang higanteng halimaw galing Japan bilang dibersyon habang ang tunay nilang plano pala e baguhin ang ating klima para matunaw ang mga yelo sa North Pole at tayo e bahain nang parang panahon ni Noah at sabay nun e pagyeyeluhin ang ilang bahagi ng mundo?

At marereveal sa ending na si Mao Tse Tung pala e isang alien in disguise all along...

2. Mga karakter

Lumikha ng mga karakter na makikisimpatya ang mga tao, gaya ng single parents, pulubing mahilig sa aso, isang torpeng nerd na nagkashota laang nung magwawakas na ang mundo, isang taong itinuturing na luku-luko ng lipunan dahil sa kanyang karanasan sa aliens. At huwag kalililmutan ang mga scientists! Walang disaster movie kung walang scientist na magbibigay-paliwanag sa mga pangyayari.

Ayon dito sa data, ang pagputok ng bulkan sa Indonesia ay dahil sa isang higanteng halimaw na pakawala ng mga aliens.

Ooooops! huwag rin kalilimutan ang mga kupal na pulitiko. Kung meron mang kinaiinisan ang mga tao sa buong mundo, iyon e ang mga pulitikong ayaw making sa katwiran ng mga scientists.

That's bullshit! You're not buying this crap, Mr Presindent!

At maglagay ng mga bata –gusto ng mga siliw ng batang karakter para magpakyut. Artistang naghuhubad? Huwag! Masisira ang inaasam na rating sa ratings board. Artista? Kahit sinong natatandaan ng mga audiences sa buong mundo, pero ‘di kelangan ng mga malalaking pangalan. Yung mga tipong papasikat o papalubog na artista, huwag yung mga nasa prime ika nga.

3. Kwento

Kumuha ng kahit anong reject o mga cliché na istorya sa mga telenobela. Copy + paste ang isang existing script. Highlight characters’ and places’ names. Ctrl + H a palitan ang mga pangalan. I-bind at ipasa sa Hollywood.

4.CG, CG, CG at CG pa

Kumuha ng mahusay na mga CG, pabilibin ang mga siliw sa special effects gaya ng mga lumilipad na kotse, nagwawalang halimaw, binabahang isla, nabibitak na lupa, nagsasabugang kahit ano, pumapatak na kandila at malilimutan na ang palyadong kwento. Done!

5. Ending

Pumili ng ilang karakter sa kwento at gawing survivors. Malilimutan na ng mga tao na yung mga extrang walang pangalan e meron ring kwento at kung aalamin lang nila e mawawala ang sense ng kanilang tagumpay.

6. Titulo

Umisip ng titulo, gaya ng: ‘The Independence Day After Weekend Godzilla Wreaked Havoc in 2012.’ Pupwedeng gawin itong Emerich All-Star movie kung saan lahat ng mga nakaligtas sa mga nakaraang pelikula e gagawin uling bida, ala-NBA ALL-Star Weekend.

Matapos malipol ang ilang porsyento ng USA e dapat tayong matuwa sa huli dahil natupad ng tatay ang pangako niya sa anak niyang tyope? Paano na sina…

Jamaaaaaaal!

Joooooones!

Jereeeeeeemy!

At kung sinu-sino pang meron ring kwento sa buhay gaya ng mga taong hindi kita sa picture sa ibaba. Paano na si Mrs Thomas na kareretiro laang sa tarbaho’t gumagawa ng birthday cake sa kanyang kaisa-isang apo? Paano na si Ralph na merong balak magpropose ke Jenny? Paano na si Kerry na merong recital sana? Paano si Morgan na isang dating football player na kagagaling laang sa injury at gustong sumubok muli sa high school varsity team?

Gusto ninyo ng kwento ng mga namatay na sangkatambak na tao? Heto, hindi ko pa to nalilimutan:

Teka, pwedeng gawing pelikula to.

Rating:  0.5/5 para sa ‘The Day After Tomorrow’ at sa mga susunod pang disaster movies na gagawin ni Emmerich. Ayon sa aking rating system, ito e nasa gitna ng huwag nyo nang panoorin at sunugin ang lahat ng kopya.

Ang CG sa ganitong klase ng pelikula ang trans fat ng isang pelikula. Masarap sa mata, pero basurang  mamumutawi sa ‘yong kalooban. Sa susunod na manonood kayo ng disasters, e dito na laang kayo sa tunay, kesa sa CG-encrusted muck na ganto.

(Note: Alam kong technically speaking e hindi disaster movies ang ‘Godzilla’ at ‘Independence Day’, pero swak kasi sa hulmahan ng REDMT kaya’t isinali ko. Tutal ganun rin naman ang suma-total -disaster.)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s