Overpass para sa mga stuntman

Posted: Enero 14, 2011 in Uncategorized

Dinala ko yung yaya ng anak ko sa Santo Borromeus Hospital para ipaanalisa ang kanyang dugo. Sabi raw kasi ng kanyang doktor sa pinuntahan niya kahapon e meron syang tipus. Aba’y di pupwedeng mag-alaga ke Kane yun kung meron nga syang tipus. Ang kataka-taka sa bagay na ‘to e paano nyang nasabing ito e tipus gayung di namin tsinek ang dugo nya?

Kaya’t hayun, ang mga huling sandali ng huling araw aking bakasyon e dun ginugol sa pagpunta ospital para patingnan ang dugo ng yaya ng anak ko.

Habang naghihintay sa resulta ng eksamen, e naisipan kong lumabas muna at kumain ng burger bakar (grilled burger) sa The Kioz Burger. Malapit laang ‘to. Maglalakad laang nang konti at tatawid ng kalsada para makarating run. Nung ako e papatawid na, naisipan kong sa overpass dumaan. Sa t’wing ako’y napapadaan sa kalsadang ‘to ni isa e wala pa kong nakikitang tumatawid rito, taga-Bandung man o turista, lasing man o hindi, nasa tamang pag-iisip man o wala.

Tatawa-tawa laang ang politikong nagpaproyekto nito

Siguro ito e dahil sa walang gabay sa magkabilang gilid ang hagdan pataas nito. Mga dalawang palapag laang naman ang taas nito, hindi naman nakakalula, gaya ng sa Cubao. Ang problema sa naaksayang infrastrukturang ito e medyo pa-spiral ang hagdan nito pataas. Hindi naman siguro nakakamatay, pero hindi rin siguro magiging komportable ang byahe mo pauwi pag nahulog ka run.

Pero dahil isang oras pa ang bubunuin ko para sa paghintay ng resulta ng dugo ng isang taong hindi ko naman kamag-anak e naisipan kong magpatay muna ng oras. Gaanong kahirap ba ‘yung ihakbang mo ang paa mo nang paisa-isa hanggang marating mo ang tuktok? Kaya’t sinubukan ko. Mga nakalimang hakbang ako at sabi ko sa sarili ko e, ‘la ‘to.’ Nung ako e nakailang hakbang pa uli at medyo nakaliko na nang konti pataas (tandang pa-spiral ang hugis nito), merong mga dalawang taong tumitingala sa akin na para bang ako’y isang babaeng nakapaldang maikli. Yung matanda e ngingisi-ngisi sa pag-akyat ko. Sabi ko sa sarili ko e ituon ko laang ang atensyon ko sa mga hakbang, hindi sa iba. Zen kumbaga. Be one with the steps.

Ang overpass ng mga stuntman

Pero nung nakita kong kalebel na ng mata ko ang kable ng kuryente (gusto ko sanang sabihing Meralo, pero iba ang kumpanya ng kuryente rito –PLN, kung curious kayo at kung ano ibig sabihin ng bawat titik, ewan ko.) e biglang umakyat sa lalamunan ko ang dalawang kayamanan kong nakatago sa pagitan ng aking hita. At bigla akong nakaramdam ng kabang baka ako e mawalan ng balanse’t mahulog. Kakayanin ko pang umakyat nang patakot, kung gagapangin ko ang hagdan na parang isang aso.

Dumarami na rin ang mga tao sa baba. Kala ko e meron nang news helicopter sa taas at tv crew sa baba. Parang nag-uumigting ang aking pagka-Pinoy. Ako malamang ang kauna-unahang taong makakaakyat sa tuktok nitong hagdan. Itatarak ko ang bandila ng Pilipinas sa tuktok nito.Ni isang Indonesian e malamang hindi pa nakakatawid sa gawing ito. Kahit siguro ang mismong engineer nito e hindi sinubukang gamitin ‘to. Bagkus, e binibigyan nya ng babala ang mga kamag-anak na huwag gagamitin ang overpass, anuman ang mangyari.  Pag nakita ng ng mayor ng Bandung ang aking ginagawa, malamang e imbitahan niya ako sa munisipyo at doo’y paparangalan at gawing ehemplo sa kanyang mga nasasakupan.

Mayor ng Bandung

‘Ito ang manahin ninyo. Isang matuwid na taong gumagamit ng overpass at hindi nag-aambag ng sakit sa ulo’t trapiko sa pagtawig nang hindi wasto. Nakakahiya mang isiping isang banyaga pa ang magbibigay-halimbawa sa landas na tuwid sa ating mga Indonesian.  Mabuhay ka Jerome Lupisan! Isa kang nagniningning na perlas sa karimlan ng bansang ito. Nawa’y pamarisan ka ng buong sansinukob.’

Maaring natalo ang mga Azkals, pero sa isang aktong ito ay maibabangon ko ang ating pagkatalo sa football. One small step, one giant leap for the Filipino. Actually, ilang steps pa. Ayoko ring tumalon.

Isa itong kaululan sabi ko sa sarili ko. Isa na kong pamilyadong tao na tatawid rito. At binura ni Bayani Fernandez ang imahe ng mayor sa aking imahinasyon. Narinig ko ang walang-kamatayan niyang paalaala:

at tutup ang aking yagbols e humarurot akong tumawid sa kalsada na parang magmamani sa Baclaran.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s