
Note: Ito ay isa sa mga luma naming pag-uusap ni Oslac.
Nung isang araw e tuwang-tuwa si Oslac sa ideya ng eternal life na itinuro sa kanila ng kanilang pastor. Pagdating sa relihiyon, kami ni Oslac e laging nagdedebate sa puntong maaring ikapikon ng iba, pero sa aming dalawa e hinde.
“Sarap siguro ng eternal life. Ang gusto ko sa eternal life e maging piloto ako,” sabi niya. Tuwang-tuwa si loko.
“Bakit ka pa magpipiloto, e di lumipad ka na laang. After life na ‘yun e. makakalipad ka na nun,” sagot ko.

“Hindi. Parang ganito rin ang after life,” sabi niya sabay mustra sa kabuuan ng park ng Tanza.
“Makakalipad ka nun. Sa after life e naglalakad ka na laang sa ulap, kumakalabit ng kwerdas ng harp.”
“Ganito rin ang after life. Parang narito tayo sa lupa, kaso habang-buhay ka nang buhay. Hindi ka na mamamatay.” Ewan ko kung nakinig nang ayos ‘tong si Oslac o nakatingin sa cleavage ng katabi habang tinatalakay nung pastor ang after life. O baka naman ganun talaga ang sinasabi ng pastor nila na sa after life e parang buhay rin natin dito sa mundo kaso e imortal tayo.
“Teka…ibig mong sabihin e hindi tayo parang mga kaluluwang multo? Na tayo e meron pa ring laman?”
“Oo. Parang ganito nga lang rin e.”
“E ‘di kung tayo e laman pa rin e ‘di tinitigasan pa rin tayo. Alam o gagawin ko? Yayayain ko ang lahat ng mga babaeng makisayaw sa akin nang makamundo.”

(Note: I-search ninyo sa yahoo search ang keyword na ‘heaven’ at itong larawang ito ang susulpot.)
“Hindi pupwede ‘yun.” “Bakit hinde e sabi mo e laman pa rin tayo? E ano pa’ng ikakatakot nila e nasa langit na nga sila e? Sasabihin ko lang na, ‘relaks nasa langit ka na, bakit ka pa natatakot?”
“Oo nga, lilipad na laang ako. Hindi na ko magpipiloto.”