Naghahanap ako noon ng Curb Your Enthusiasm sa Quiapo, at kinakailangan kong dumaan sa overpass ng Hidalgo. Sabi ko sa kasama ko, “Dito yung sinasabi ko sa ‘yong bilihan ng pilik-mata ng kambing.”
Para sa kapakanan ninyo kung saan ginagamit ang pilik-mata ng kambing, ito ang masasabi ko sa inyo. Ito e hindi sinasahog sa mga luto, tulad ng sinigang. Ito ay parang gomang singsing na merong nakapalibot na pilik-mata ng kambing na isinusuot sa isang bahagi ng katawan ng lalaki. May kilala akong gumamit nito at sabi niya e halos ikabaliw raw ng bubae ito.
At doon sa overpass e nakita ko ang naturang kagamitan at itinuro sa kasama ko. Isang araw gugunawin na laang na parang Sodom ang Quiapo. Aba’y sa kalatanran ng tanghaling tapat, sa overpass, kung saan nagdaraan ang mga tao sa lahat ng edad -bata, matanda, e ibinibenta ang mga dildo. Oo, dildo, ang kagamitang malamang e sa isang Japanese porno ninyo unang nakita. Mga batang mas matangkad pa sa pasukan sa LRT e makikita ang mga gomang aring ito kung saan maari kang mamili mula 5″ ‘gang kung ano ang kakayanin mo.
Hindi ako ipokrito pagdating sa porno. Alamat ang ilalim ng kutson ko sa mga kaibigan ko nung panahong ang mga bold magasines na tulad ng Dalaga at Superhot e patagong ibinebenta, nung panahong hindi ka makakarenta ng XXX na Betamax at magkakasya ka na laang sa Sex Comedy na Rated R, nung panahong ang mga manekin sa mall e wala pang utong, nung panahong wala pang internet.
Pero ngayon, naglipana sa internet ang porn. May mga blue tooth blue tooth pang tinatawag. Mukang outdated na ang porno mags. Wala na yatang ganun ngayon. Yung katabi ko sa LRT 2. Isang punggok na lalaking naka-long sleeves e nagbabasa/ tingin ng mga larawan ng “office sex” sa pornong tabloid. Lantaran mong makikita ang mga _______ Scandal kahilera ang mga 9 in 1 Meg Ryan movie collection.
(Parang lahat ng laang ata ng eskwelahan at lugar iginawa na ng scandal scandal. Cebu Scandal. Camarines Norte Scandal. Mindoro Scandal. Cabuyao Scandal. TUP Scandal. UP Scandal. La Salle Scandal.)
May pwesto ang lahat ng pornong ito -sa ilalim ng kutson, hindi sa mga pwestong abot ng mata’t mga kamay ng mga bata.

Sa pagitan ng mga kutsong ito dapat nakatago ang porno at printouts ng entries ng sansinukob ni lupisan.
- – -
Napag-usapan namin nina Oslac at Elgin ang kawalan ng imahinasyon sa porno ngayon. 98% siguro ng mapapanood mong porno e puro hubad at nasa akto na ng ng makamundong pagsasayaw. Walang istorya. Hindi mo alam kung anong relasyon nila. Bakit nila ginagawa yun. Anong nangyari’t sila’y napunta sa ganung sitwasyon. ‘Ika nga ni Jackie Treehorn sa The Big Lebowski e wala na raw istorya ngayon ang mga bagong produced na “adult entertainment”. Poor lighting. Hindi na nag-iinvest sa kwento.
At inalala naming tatlo nina Owen ang mga istorya sa magasing nagsiikot sa ilalim ng mga kutson namin. Ang istorya nung lalaking na-stranded sa bus sa highway dahil merong nabuwal na punong humarang sa daan. Hindi naman pang-Oscar at pam-Palanca hinahanap ng mga old school fans. Konting kwento laang sa porno.
hahaha .. sinong lalaki (sa ating eda) ang hindi makakarelate dito?? lolz.
wag na maghugas ng kamay…. wahahha